Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Regine Velasquez
Regine Velasquez
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vehnee Saturno
Vehnee Saturno
Songwriter

Lyrics

Kung ang tinig mo'y 'di naririnig Ano nga ba'ng halaga ng buhay sa daigdig? Darating ba ang isa ngayon at magbabago ang panahon Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong? Aanhin ko pa dito sa mundo Ang mga matang nakikita'y 'di totoo? May ngiting luha ang likuran at paglayang tanong ay kailan Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal? Sundan mo ng tanaw ang buhay Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo? Pang-unawang tunay ang s'yang nais ko Ang pagdamay sa kapwa'y nand'yan sa palad mo 'Di ba't ang gabi ay mayro'ng wakas? Pagkatapos ng dilim ay may liwanag Araw ay agad na sisikat, iilawan ang ating landas Nang magkaisa bawat nating pangarap Sundan mo ng tanaw ang buhay Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo? Pang-unawang tunay ang s'yang nais ko Ang pagdamay sa kapwa'y nand'yan sa palad mo, oh Sundan mo ng tanaw ang buhay Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo? Pang-unawang tunay ang s'yang nais ko Ang pagdamay sa kapwa'y nand'yan sa palad mo
Writer(s): Saturno Vehnee Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out