Top Songs By Kuh Ledesma
Credits
PERFORMING ARTISTS
Kuh Ledesma
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Nonong Pedero-Bien Lumbera
Composer
Lyrics
No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya
No'ng unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang
No'ng unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa, dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
No'ng unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo
Pati na ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
No'ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon
No'ng unang panahon
Lyrics powered by www.musixmatch.com