Lyrics

Madilim na paligid Nangangapa sa gilid ng bangin Hindi alam kung sa'n pupulutin At kung anong mangyayari sa 'kin Kahapon ako'y napagod Sa mga bagay na gumugulo Sa aking panaginip Biglang may tumawag sa 'kin Kausap ko si Bathala Sabi nya, S'ya ang bahala H'wag daw mag alinlangan S'ya daw ang kailangan Malubak na kalsada Ako lang ba ang dumadaan? Wala daw patutunguhan Kung ako ay lilihis ng daan Ako ay biglang nagising Sa aking panaginip Nakausap mo ba si Bathala? Sabi nya S'ya ang bahala Kausap ko si Bathala Sabi nya, S'ya ang bahala H'wag daw mag alinlangan S'ya daw ang kailangan Hinihigop lang ako ng higaan ko maghapon Ayaw ko munang bumangon baka mas lalong umalon Mag-iisip lang mag-hapon kung pano ko itatapon Mga pasakit kahapon pa'no ko ba maaahon? Malapit na ang panahon, panahon ng paghuhukom Nag-iiba na nga ngayon wala pa rin bang direksyon? Ikaw ang aking koneksyon bahala ka Panginoon Tapos na ang bagong taon magbabago na rin ngayon Ilang taon na nagkulong maaga akong nalulong Sa tenga ko may bumulong agad ako na nagtanong Bakit ako umalulong hinihingal ng paurong Dahil sa 'yo Panginoon patuloy lang hanggang ngayon At masasabi sa sarili magtiwala lang palagi Titibayan ang haligi para 'di nila madali Talangka na nagsasabi na malabo't imposible Patuloy na aatake may Bathala ko parati Kausap ko si Bathala Sabi nya S'ya ang bahala H'wag daw mag alinlangan S'ya daw ang kailangan Mga sinulat kong paksa, pahaging lang ng bahagya Huwag ka sanang mabibigla kung sa bibig ko magmula Sa aklat ay nakatala mula noong unang simula Kung ikaw ay nakatakda baunin mo 'yon pagtanda Ika nga ng matatada gumalang ka na may akda Sikapin mo'ng maging handa sa panahong walang-wala Durugin kang dapang-dapa sa langit ka tumingala Pigilin mo na magwala, wala ka d'yang mapapala Palagi ka lang huminga laliman mo sabay buga Alalahanin ang lahat kung pa'no ka nagsimula Baunin mo laging dala mga pinapayo nila At huwag ka na mag-alala parating na ang padala Na-traffic lang ng bahagya 'yong hiniling mo sa Ama At huwag na sanang sumama ang loob mo sa kanila Kusa din 'yang mawawala manalangin ka sa kanya Alalahanin ang buhay kung ga'no ka kahalaga Kausap ko si Bathala Sabi nya S'ya ang bahala
Writer(s): Joseph Hernandez Darwin, Alejandro Claros Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out