Music Video

Gloc-9 - PILAK (Official Music Video)
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Gloc-9
Gloc-9
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Aristotle Pollisco
Aristotle Pollisco
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Gloc-9
Gloc-9
Producer

Lyrics

Kumusta? Sana'y na sa mabuti kayong kalagayan Nandito na naman ako Maraming salamat nga pala kung pinakikinggan mo ito Alam mo, no'ng nagsimula ako noong 1997 Hindi ko inisip na tatagal ako ng ganito Kaya salamat Pwede na 'kong tumabi, pero 'di nagmamadali Palaparin ang papel, unatin ang naka-tupi Sa sultada ng buhay, pula man o sa puti Natalo sa una, pero sa huli 'di magpapagabi Sige, bangon, umahon, umalon man ng kahapon Damputin lang ang mabuti at ang masama'y itapon 'Yan ang natutunan ko nang tumagal at lumaon Sa bunganga ng hayop kapag hangal ay malalamon Nang matatalas na pangil, umiwas ka sa dahil Kaya ang dapat mong puntiryahin, hindi marahil Lapitan mo 'wag kang matakot kahit naka-angil Hanapin, nakatago man sa talahib o pilapil Tapikin mo ang sarili mong balikat Bakit? Kasi 'yan ang tunay at walang kasamang inggit Pumikit, maliit man ngayon Dumikit ka lamang sa kasipagan at tyaga malupit Ang kahihinatnan, mataas man ang hagdan Balikan nang balikan at nang matandaan ang pangalan Alang-alang sa nilaban Tinaya mo, sa tagal ng panahon Yumaman hindi nag-iba Ang pangarap na hinanap nakamit Parang akap-akap na bagong biling damit Malupit 'yan na kwento Sa tuwing magpapagupit Kahit makapal na yero 'yan punit 'Pag legit! Kasi walang kasing talas ang bitbit Kapag nahagip ka ay tinamaan ng lintik, kaya tumabi 'Di na uso ang patumpik-tumpik Kung 'di mo alam kung sa'n ka pupunta ay bumalik Teka muna, ako ay nananawagan na uli Kung mero'n ka pang dapat na sulatin ay umuwi Mga letra at tugma nang ang mukha ay ngumiwe Matapang na titindig kahit hindi ka pa tule Alam kong bawal tumigil at hindi dapat huminto 'Yang ang payo ko sa 'yo para 'di ka mabigo Salamat sa lahat ng nagbukas sa 'kin ng pinto Okay na 'ko sa pilak kahit na 'di maka-ginto Alam kong bawal tumigil at hindi dapat huminto 'Yang ang payo ko sa 'yo para 'di ka mabigo Salamat sa lahat ng nagbukas sa 'kin ng pinto Okay na 'ko sa pilak kahit na 'di maka ginto Ayos na po Malalakas na palakpakan at sigawan Nakakasilaw na ilaw sa entabladong naglalawakan Laughtrip, foodtrip at walang humpay na laboy Na umabot pa kahit sa ibang bansa, nakakatuwa Pero kasabay ng lahat ng tagumpay na 'yan Ay dugo pawis at luha na kailan man ay 'di mo maikakaila Huwag na natin isama pa kung ilan Ang mga nagawa, hindi kasali 'yan Ang mahalaga ay kung kaya mo pang tingnan Walang kurap ang mata Masilaw man sa kinang na hindi galing sa 'yo Ang alam mo lang ay masaya pa ring Diinan ang panulat kahit tapos na tuparin Ang mga dasal mo dati, isa-isang pitasin sa pisara Dahil alam mong kaya kang panisin Lunukin, tanungin, alokin, sambitin Ang dating ikaw ay isigaw, piliting hingin Baka sakaling mero'n pang natitirang bunuin Tila may napulot kang anting-anting Kasi walang reserba 'to, mapako man ang goma ng milyon Huwag maubusan ng hangin 'di 'to yabang o pikon Nang may madukot matutong mag-ipon 'Pag maayos mo 'kong tinawag, asahan na lilingon Tandaan mo lang Tandaan mo lang
Writer(s): Aristotle Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out