Top Songs By Chino Romero
Credits
PERFORMING ARTISTS
Chino Romero
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Aaron Paul Del Rosario
Songwriter
Lyrics
Akala ko ay 'di kita iniibig
Akala ko ay 'di kita kailangan
Akala ko ay kaya kong umibig sa iba
Hindi pala, ako'y nagpadala
Sa maling akala
Akala ko ay kaya ko
Na ikaw ay aking iwanan
Sinabi sa sarili ko
Na madali kitang kalimutan
Sinaktan ko ang puso mo
Tiniis pati pagluha mo
Bahala na ang Maykapal
Sa ating pagmamahalan
Araw-gabi ngayon, ako ay nagdurusa
Lumuluha tuwing maiisip kita
Akala ko ay 'di kita iniibig
Akala ko ay 'di kita kailangan
Akala ko ay kaya kong umibig sa iba
Hindi pala, ako'y nagpadala
Sa maling akala
Sana'y mapatawad mo
Ang pusong nagkasala sa iyo
Ngayon ay alam ko na
Ikaw ang siyang sinisinta
Araw-gabi ngayon, ako ay nagdurusa
Lumuluha tuwing maiisip kita
Akala ko ay 'di kita iniibig
Akala ko ay 'di kita kailangan
Akala ko ay kaya kong umibig sa iba
Hindi pala, ako'y nagpadala
Sa maling akala
Akala ko ay 'di kita iniibig
Akala ko ay 'di kita kailangan
Akala ko ay kaya kong umibig sa iba
Hindi pala, ako'y nagpadala
Sa maling akala
Hindi pala, ako'y nagpadala
Sa maling akala
Lyrics powered by www.musixmatch.com