Lyrics

'Tong alay kong harana, para sa dalagang Walang kasingganda, amoy-rosas ang halimuyak Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang 'Di hahayaang mawala pa 'Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha Hiling ko lang naman na Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa Papatunayang ang unang pag-ibig ay 'di mawawala Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna? Ang tangi kong hiling, hanggang dulo ikaw ang kapiling Kung puwede lang, hanggang pangmagpakailanman Hinding-hindi na papakawalan kailanman Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na? (Hinahanap-hanap ka, whoa) Ba't sa 'ting dal'wa, ako na lang ang natira? (Sana'y magkita pa) Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba? Handang tahaking mag-isa kahit wala ka na Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na (palalayain ka, whoa) Kahit na 'di na tayo magsasama pa (mahal pa rin kita) Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka Oh, Leonora kong sinta, ah
Writer(s): Cedric James A. Angeles, Froilan Jerome Dj. Bautista Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out