Lyrics

Minsa'y isang bansa ang nangangarap Nangarap sa gitna ng karimlan Makapagpahinga nawa sa hirap At makawala sa kawalan Bayang nababalot ng hiwaga Hindi ka ba namamangha? Lupa na sagana't pinagpala Bakit naglipana ang dukha? Minsa'y isang bansang nakipaglaban Nag-alay ng kanyang mga anak Hangad ang magandang kinabukasang Tinatamasa ng lahat Ano nga ba'ng saysay ng Pugad Lawin Kung ang madla'y aba't mangmang? Ang EDSA ba ay may ibig sabihin Sa mga tiyang kumakalam? Minsa'y isang bansang nagbayanihan Upang iahon ang munting dampa Subali't sa halip na kabutihan Sa tiwali't digma, muling nasalanta Ako'y nakikiusap sa may kaya Sa abot ng inyong kakayanan Ipalaganap ang hustisya At kalingahin ang sambayanan Minsa'y isang bansa ang nagsisikap Na samantalahin ang panahon Minsa'y isang bansa ang nangangarap Na sana'y mahalin mo na ngayon
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out