Lyrics

No'ng una kang makita, agad sa 'yong namangha Daig mo pa'ng manika, hanep ang iyong ganda Sadyang kakaiba, mapungay mong mata Ako ay nanghihina 'pag hindi kita kasama Ganda mo na mala-Disney Ikaw 'yung gusto kong pinapakinggan ko na medley Gagawa pa rin ng paraan kahit pa na medyo busy Kung ang trip mo'y lumabas o kahit manood ng sine, yeah Alam mo bang naka-auto save mga litrato mo sa CP? Dami nang tinanggihan, sa 'yo lamang na 'di maka-"Hindi" Kung alam mo lang sana na ikaw ay akin na iniibig Baka lang na maintindihan mo ang iniibig kong sabihin At ganda mo na wala nang tutugma Mga bagyo sa aking buhay, 'kaw pala'ng magpapahupa, yeah Kahit malayo'y makakapunta Ganito ba ang pag-ibig, parang magandang sumpa? Yeah Sa 'yo'y nabibighani araw-araw, sa 'yo, baby Hindi ka masisisi kung baliw sa iyo, oh baby Salamat at nahanap ka, at wala na ngang kailangan pa na hanapin pa Ikaw na nga, walang iba, walang iba, wala nang makakahigit pa sa iyo, sinta Lahat sila nagkakandarapa sa iyong ganda Naisip ko no'n na sino ba 'ko para magkaron sa 'yo ng tiyansa At pero 'di ako sumuko Pakinggan mo ang kanta na isinulat ko magdamag Handa na mapuyat upang akin na ngang malaman Nilalaman ng damdaming kay tagal ko na pinaghandaan Kahit na pasikot-sikot man, madami man ang humadlang Haharapin ko ang lahat ng mga problema sa daan, yeah Kung ang pag-ibig mo ay tubig ay handa 'kong magbabad 'Di na kailangan pa ng doobie, dinala mo na 'ko sa alapaap Ang pangalan mo'y nakaukit, habang buhay nakatatak Dahil sa 'yo, naniwalang muli, sumugal sa pagmamahal Ikaw na nga ang siyang bituin na sa akin ay gumabay Ako'y lulong sa 'yong pagibig, 'di hahayaang maghiwalay Asahan mong lalambingin tuwing nagkakaroon ng away 'Di dapat patagalin, tulugan, o pag-ibig ay mamamatay Sa 'yo'y nabibighani araw-araw, sa 'yo, baby Hindi ka masisisi kung baliw sa iyo, oh baby Salamat at nahanap ka, at wala na ngang kailangan pa na hanapin pa Ikaw na nga, walang iba, walang iba, wala nang makakahigit pa sa iyo, sinta Salamat at nahanap ka, at wala na ngang kailangan pa na hanapin pa Ikaw na nga, walang iba, walang iba, wala nang makakahigit pa sa iyo, sinta Sa 'yo'y nabibighani araw-araw, sa 'yo, baby Hindi ka masisisi kung baliw sa iyo, oh baby Salamat at nahanap ka, at wala na ngang kailangan pa na hanapin pa Ikaw na nga, walang iba, walang iba, wala nang makakahigit pa sa iyo, sinta, ah
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out