Lyrics

Manlamig man sa Akin puso mong maramdamin Lisanin man ng tuwa puso mong namamanglaw Manginig man sa takot masindakin mong puso Mag-ulap man sa lungkot diwa mong mapag-imbot. Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo. Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo Manahimik at makinig ka't maging Akin muli. Di mo rin akalain tinig mo'y hanap Ko rin, Ang 'yong tuwa at sakit, Aking galak at pait. Kung lingid pa sa iyo, Aking pakikiloob, Tuklasin mong totoo: tunay mong pagkatao. Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo. Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo Manahimik at makinig ka't maging Akin muli. Akin muli Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo. Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo Manahimik at makinig ka't maging Akin muli.
Writer(s): Arnel Aquino Sj, Arnel Dc Aquino Sj Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out