Featured In

Lyrics

Sana'y maunawaan mo Kung bakit kailangan kong itago ang ating pagiibigan Patawad kung 'di mo maintindihan Dahil nakilala kita kung kailan kami ay nagsama na Ngunit sa'yo ko naramdaman ang saya Nakilala kita nung mga panahong ako'y malungkot Ang puso koy naghahanap ng kalinga Pagmamahal ng totoo at walang halong panloloko Sa kasawiang palad yan ang bagay na hindi nya kayang maibigay Kaya hinanap ko sa iba Kahit na alam kong hindi ito tama Pagibig na mali at pagdama ko ng mga sandali Baghagyang makuha ko ay ma-karma Siguro talagang sinadya ng pagkakakataon Na tayong dalawa'y pagsalubungin Napamahal ka na sakin, napamahal na din ako sa'yo Wala akong magagawa kung hindi suungin Ang ating pagiibigan na kahit pagtawid 'di ko masagip na Makuha ang kaligayahan na dinala mo sa 'king buhay Mula nung ika'y dumating minahal mo ko ng tunay Hindi kagaya ng babaeng pinili kong makasama Na di binigyang halaga ang aking pagibig at pag-aalala Pagod na kong tiisin ang sakit Nagsawa na ko sa walang katapusan kong pagpapakatanga Gusto ko lang dumalo sa ligaya At sa 'di inaasahang pagkakataon nakilala kita Sa taglay mong kagandahan at linis ng kalooban Ang puso ko ay sumigla hindi ko maitanggi na mahal na nga kita Sana maunawaan mo kailangan nating itago Kung ano mang namamagitan 'di nating pwedeng madaliin 'Wag kang mag-alala dahil kahit anong mangyari 'Di naman kita iiwan kahit kami ang magkasama sa gabi pag-ibig Sa kanya hindi ko na nadarama kaya ipanatag mo na ang iyong kalooban Dahil dito saking puso ay mas matimbang ka na Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin Kaya minabuti ko na lamang na ilihim Ang namamagitan sa ating dalawa Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin Ako'y naguguluhan at hindi mapakali Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami 'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi Ayoko humantong sa punto na mawala ka sa akin 'Di bale nang ilihim ko na may nauna na sa'yo Pagkat ang puso natin ay nag-iisa Ni hindi mo pwedeng diktahan ang nilalaman Huwag sisihin kung bakit isa sa umakit Ang pag-ibig Kahit nauna na siya Pasensya na 'Di ko man maamin na ika'y minamahal ko Pinaparamdam ko naman Sa t'wing kasama kita 'di ko maipaliwanag Ang saya na nadarama Sana nga ikaw nalang Sana nga ikaw nalang Ikaw nalang ang aking katabi Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin Kaya minabuti ko na lamang na ilihim Ang namamagitan sa ating dalawa Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin Ako'y naguguluhan at hindi mapakali Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami 'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi Paano ko ba sasabihin sayong may nauna na Ngunit ang aming relasyon tila napakalbo na Dahil 'di ko sa kanya naranasang lumigaya Ang puso ko'y sinasaktan niya Hinanap ko ang kaligayahan Nakita ko't 'di ko inaasahan Ikaw na pala ang magpapasaya Sa aking pusong nalulumbay Ngunit kailangan nating itago Ano mang mangyari mahal nakahanda ako Ipaglalaban kita Kaya 'wag kang mangangamba Dahil kahit sino man ang humadlang Sa ating dalawa'y hindi ko papayagan Dahil mahal kita Nangangamba 'kong ikaw ay mawala Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin Kaya aking inilihim Dahil 'pag nalaman mo, aayaw ka Dahil natatakot lang ako na mawala ka sa 'kin Kaya minabuti ko na lamang na ilihim Ang namamagitan sa ating dalawa Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin Ako'y naguguluhan at hindi mapakali Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami 'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi Ako'y 'di makatingin sa harap ng salamin Ako'y naguguluhan at hindi mapakali Sana'y nakilala na kita nung hindi pa kami 'Di sana ikaw ngayon ang aking katabi
Writer(s): Mark Anthony Ching Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out