Lyrics

Ako ay umibig dahil tumibok ang puso ko bakit di masuklian ang aking kabutihan Ako'y isang hamak na tambay laman sa kanto, Kasama ang barkada may bitbit na kwatro kanto Madalas pang mapaaway in short basagulero Angkinaganda lang sakin ako ay musikero Hilig ay umawit magsulat ng tula Nanghihiram nga lang ng ballpen bakit pa yung pula Galit ata ayos lang atleast sumusulat Sa aking pag-iisip may pangyayari na gumulat Isang babaeng dumaan na kutis porselana Atensyon ko ay napukaw nya hawig sya ni susana Puso ko'y parang biglang napatalon Nilapitan ko sya at ako'y biglang napatanong Ano ang pangalan mo pati na ang sellphone number Tinignan nya ko mula ulo hanggang saking islander Ini-snob ako pero hindi ako susuko Makukuha din kita sa aking pagsusuyo Ako ay umibig dahil tumibok ang puso ko bakit di masuklian ang aking kabutihan Dahil ba hindi maganda ang aking panlabas ako yung handang magmahal sayo ng wagas Di mo ko pinahalagahan wala kang babalikan sinayang mo kasi mahal... Isang linggo kong naghintay na dumaan kang muli, Sa pang walong araw dun na ako napangiti. Niligawan ka hatid sundo ng limang buwan Tunay kong pagmamahal ay iyo ngang naramdaman At ako'y sinagot mo sa tuwa ako'y napatumbling Nagbunga ang pagod ko pati pagpapacharming At dun nag balak kang ako'y ipakilala Sa magulang mo sabi mo ikaw ang bahala But damn kulang nalang ay tadyak, Sa panlalait ng magulang mo ako'y napa-iyak Masama ba na iterno ang maong ko sa barong At tsinelas kong matibay na gawa pa sa gulong Ni wala kang nagawa habang ako'y inaapi, Ang yabang ng tatay mo sakanya ka pa tumabi Tiniis ko ang sakit dahil sa mahal kita, Darating ang panahon malilimutan din kita Ako ay umibig dahil tumibok ang puso ko bakit di masuklian ang aking kabutihan Dahil ba hindi maganda ang aking panlabas ako yung handang magmahal sayo ng wagas Di mo ko pinahalagahan wala kang babalikan sinayang mo kasi mahal... At dumating na nga ang swerte sa aking buhay, Dahil saking pag-rarap ngayon ay nagkaron ng kulay Ang mundo ko na dati parang binugbog, Ngayon ay maririnig na kanta ko'y tumutugtug Sa iba't-ibang lugar iba't-iba ang bumabati Kahit di ko kilala kinu-kuya ako ni ate Marami ng friends at marami ng connect, Medyo may pagkasosyal na ang tama ko ay correct Di na ako ang dating kilala mong baduy, Signature na ang suot at hindi na nagpu-pusoy Ngayon lalapit-lapit ka nagpakulot pa, Hindi nga kita kilala hoy pacute ka. Sabihin mo sa nanay mo pati na sa tatay mo, Sampung baboy ang balato ko at ipakatay nyo At di nako babalik sayo hindi ka kawalan, Ikaw ang tanga dahil ang pag-ibig ko'y pinakawalan Ako ay umibig dahil tumibok ang puso ko bakit di masuklian ang aking kabutihan Dahil ba hindi maganda ang aking panlabas ako yung handang magmahal sayo ng wagas Di mo ko pinahalagahan wala kang babalikan sinayang mo kasi mahal...
Writer(s): Mark Anthony Ching Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out