Lyrics

Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Minsan masaya, minsan ay may luha Minsan, hindi naiiwasang magduda Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Kahit ano naman ang mangyari Wala na akong mamahaling iba kundi ikaw lamang Wala nang ibang babae dito sa buhay ko Tanging ikaw lamang ang nais na katulad mo Ang gusto kong makasama, makatabi't kayakap Makausap mo nang magdamag hanggang sa mag-umaga Pangako 'yan (pangako 'yan) Ikaw lamang ang tangi kong hahalikan (hahalikan) Kahit na puro lait at puro pagdududa May ngiti sa 'king labi na nanggaling sa pagluha Kaya ikaw lang kahit nakakabuwang Nakakabaliw man sa 'kin ay okay lang Kahit ano'ng mangyari sa 'kin ay wala na Akong mamahaling iba kundi ikaw lamang Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Minsan masaya, minsan ay may luha Minsan, hindi naiiwasang magduda Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Kahit ano naman ang mangyari Wala na akong mamahaling iba kundi ikaw lamang Nakakabaliw ang isipin ka 'Di magkasundo, parang aso't pusa Lagi kang inis, ah, lagi kang galit na Parang laging araw-araw kang may dalaw Ano ba'ng nagawa ko sa 'yo? At parang lagi ako sa 'yong may atraso Kaso kung 'di lang talaga kita mahal Iniwan na kita, 'di na tayo nagtagal Pero kayang tiisin kahit 'di maintindihan 'Di ko napag-isipan na ikaw ay palitan At hindi ko nagawa na ikaw ay pag-isipan Ang maghanap pa ng iba ay 'di ko pinahintulutan Dahil nga mahal kita kahit medyo may topak ka 'Di ko magagawa na sirain ang pangako ko, oo, mahal Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Minsan masaya, minsan ay may luha Minsan, hindi naiiwasang magduda Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Kahit ano naman ang mangyari Wala na akong mamahaling iba kundi ikaw lamang Madalas na sa 'kin ay sabihin, wala daw sa 'ting mangyayari 'Yun ay sa kabila ng mahaba nating biyahe 'Di halos makabasag-pinggan ang 'yong imahe Ngunit sa isang iglap, nagmimistulang tigre Hindi ko rin naiintindihan Isa lang ang alam ko, ito'y papanindigan Kay dalas pagtawanan kapag tinatalakan Pasalamat ka, hindi ko kayang ikaw ay saktan Nakakasira ka ng ulo, oo, nakakabaliw Pagtatalo natin ang naging libangan mo't aliw Kailangan ka pang suyuin kahit ikaw ang mali Nagkakasundo man tayo, sobra na 'yung sandali Minsan, gusto kong isipin na wala nang paraan Kapag gusto mong magalit, wala kang pakialam Ayos lang, handa naman akong pagtiisan Lahat 'yan ay napapawi ng isang ngiti mo lang Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Minsan masaya, minsan ay may luha Minsan, hindi naiiwasang magduda Laging tanong kung bakit gano'n Nakakabaliw itong ating relasyon Kahit ano naman ang mangyari Wala na akong mamahaling iba kundi ikaw lamang
Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out