Lyrics

Oh-oh, oh-oh-oh (yow, uh) Darating ang panahon, magiging akin ka Kahit 'di pa man ngayon, pursigido ako na kuhain ka Basta sabihin mo na lang sa 'kin kung pwede na Kung okay na, kung kailan ka handa Sasamahan kita magdamag, araw-araw magkikita Mag-uusap hanggang pagtanda Dahil ako ay lubos na lubos At taos-pusong umiibig, walang makakahadlang Sa 'yo, aking panahon, ibubuhos At pangako sa iyong hinding-hindi ako mananabang Kahit na sino pa'ng dumating sa 'king buhay Hinding-hindi kita 'pagpapalit, pangako 'yan Dahil ikaw ang pangarap ko mula pa dati Kaya ako ay nasasabik na makamit, alam mo 'yan Kung papalarin nga lang ay walang minutong lumilipas Na 'di ako sa 'yo humahalik Kaya sana sa pagdating ng panahon Tayong dalawa na at ang singsing sa kamay mo ay ikakabit Darating din ang araw na tayo'y magsasama Puso'y 'di magsasawang maghintay Kalakip ang pag-asa na magiging tunay Magiging tunay, magiging tunay Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay Handa ako na maghintay sa 'yo kahit matagal na panahon Darating rin ang tamang araw na sa 'kin ay magiging akin ka Ang katulad mo na binibini, sa 'kin, 'di ka magsisisi 'Pag nangyari ang hiling ko na mapasa'kin ka Sobrang mahal kita kung alam mo lang Sana makita mo tunay at walang halong pangangamba Ang pag-ibig ko sa 'yo ay 'di na magbabago, sana'y alam mo 'yon Kung tadhana man nagplano Kung paano guhit nitong mga palad natin ay mabago Madala ko kung sa'n ka ba n'ya idadako At isang araw, sa paglalakad ay mabangga ko Ang dalaga na sa 'kin nagsisilbing bahaghari Ang pinakamakislap na bituin 'Di kita susungkitin bagkus hahayaan kang mahulog din Sa 'kin at umasa kang ika'y aking sasaluhin Sa ngayon, ang natatangi na posible na mangyari Ay ang matitigan lang kita nang libre habang pinapangarap ka Tapos kapag pwede na, pwede bang itimbre? Darating din ang araw na tayo'y magsasama Puso'y 'di magsasawang maghintay Kalakip ang pag-asa na magiging tunay Magiging tunay, magiging tunay Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay Pero 'di basta gano'n lang kadali Makibagay ang tadhana, hindi pwedeng magmadali Sadyang mayro'ng mga bagay na kailangang unawain Kapain munang maigi 'tsaka bago mo kuhain Darating ang pagkakataon, sa 'kin ka hahalik Ako na'ng tagasundo mo at sa 'yo maghahatid Darating ang panahon, pangalan ko ang kakabit Ng pangalan mo at sa altar kita ihahatid Kaya nga ako sa 'yo ay laging ganado na mag-abang Umasang 'di titigil at pag-ibig, 'di magtatabang Ano man ang mangyari, kahit mayro'n pang mga hadlang Lahat sila panis at ang katulad mo ay sa 'kin lang Darating din ang araw na tayo'y magsasama Puso'y 'di magsasawang maghintay Kalakip ang pag-asa na magiging tunay Magiging tunay, magiging tunay Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay Oh-oh, oh-oh-oh Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay Oh-oh, oh-oh-oh Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay Darating din ang araw na tayo'y magsasama Puso'y 'di magsasawang maghintay Kalakip ang pag-asa na magiging tunay Magiging tunay, magiging tunay Darating ang panahon na tayo'y habang-buhay
Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out