Credits
PERFORMING ARTISTS
Eurika
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mang Ernie
Arranger
Lyrics
Araw-araw kitang gustong makausap
Nag-aalala kapag 'di ka tumatawag
Tini-text kung 'di ka mahanap
Balisa kapag 'di ka nagre-reply
Bakit kaya ganito ang aking nararamdaman?
May kakaibang saya sa t'wing ika'y aking natatanaw
Nguni't ayokong ipahalata ito sa 'yo
'Di ba ikaw ang dapat maunang magsabi sa 'kin nito?
Kaya lagi kong tinatanong sa 'yo
Kung ano bang tunay na nadarama mo
Ang sabi mo mahal mo ako
Nguni't kaibigan lang ang turing mo
Nguni't iba ang nararamdaman ko
Kumakaba ang dibdib ko sa iyo
Akala ko paghanga lang ito
Mahal ko na yata ang kaibigan ko
Kung talagang hanggang doon na lang tayo
Bakit ika'y nagagalit kapag iba ang kausap ko?
Natotorpe ka ba o takot ka lang sa tatay ko?
Sabihin mo lang kung ako rin ba ay mahal mo
Kaya lagi kong tinatanong sa 'yo
Kung ano bang tunay na nadarama mo
Ang sabi mo mahal mo ako
Nguni't kaibigan lang ang turing mo
Nguni't iba ang nararamdaman ko
Tumitibok ang puso ko sa iyo
Akala ko paghanga lang ito
Mahal ko na yata ang kaibigan ko
Lagi kong tinatanong sa 'yo
Kung ano bang tunay na nadarama mo
Ang sabi mo mahal mo ako
Nguni't kaibigan lang ang turing mo
Nguni't iba ang nararamdaman ko
Tumitibok ang puso ko sa iyo
Akala ko paghanga lang ito
Mahal ko na yata ang kaibigan ko
Mahal ko na yata ang kaibigan ko
Writer(s): Garry Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com