Lyrics

Kung hindi tayo kikilos, sino pa ang kikilos? Ano pa ang ating hinihintay? Kung 'di ka ngayon lalaban, kailan ka pa lalaban? Kung malapit ka nang mamatay? Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Matrikula'y nagtataasan, paarala'y binubusalan Niyuyurakan ang ating karapatan Kinukulong nang walang hatol, pinapatay ang tumututol Sa makadayuhang pamahalaan Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Nalalason ang isipan ng maraming kabataan Ito'y dapat kaagad ay sugpuin Kamandag na komunista, patayin hangga't maaga Ngayon na, ngayon na, ngayon din Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kayong hilaw na aktibista, mabuti pa'y magsiuwi na Habang ako ay nakapagtitimpi, oh Umpisahan niyo nang masanay Hangga't walang hustisyang tunay Ay babalik at babalik kami Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ngayon, kung hindi ngayon Kung hindi ngayon, kailan pa? Kung hindi ngayon, kailan pa?
Writer(s): Gary Granada Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out