Lyrics

Ang ating pagsinta'y wala sa kalawakan Ako ay di araw, ikaw ay di ang buwan Ang ating pag-ibig wala sa alapaap Di sa himpapawid at mga ulap Sa gitna ng agam-agam Sa piling ng pangangamba Kakambal ng kasaysayan Itong ating pagsinta Ang pagsubok at panganib Sa panahon na ligalig Ang siyang magpapanday sa ating Panata't pag-ibig Ikaw ay apoy at ako ay hangin Alab at lamig sa liwanag at dilim Tayo'y mga punong matayog ang pangarap Ngunit sa lupa'y laging nakaugat O, pawis at dugo Ang magpapalago Sa ating pagsuyo Sa gitna ng agam-agam Sa piling ng pangangamba Kakambal ng kasaysayan Itong ating pagsinta Ang pagsubok at panganib Sa panahon na ligalig Ang siyang magpapanday sa ating Panata't pag-ibig Kung paano magsasanip ang dalawa nating daigdig Ang siyang magpapanday sa ating Panata't pag-ibig
Writer(s): Gary Granada Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out