Lyrics

Wala pa ring kasiguruhan Kaya kailangang-kailangang Mapasa-atin ang pamahalaan Sa ngalan ng katahimikan, Sa ngalan ng kapayapaan, Gawin ninyo kahit anong paraan Tuloy ang laban, tuloy ang laban! Hangga't mga komunista'y naririyan! Tuloy ang laban, tuloy ang laban! Tuloy ang laban hanggang magkaubusan! Krudo't langis nagtataasan Ang galunggong nagmamahalan Pangakong Cory ay kabaliktaran Patalsikin ang mga base Mga lupa'y ipamahagi Mandaraya, sinungaling, manlilinlang! Tuloy ang laban, tuloy ang laban! Hangga't gobyerno'y para lang sa iilan! Tuloy ang laban, tuloy ang laban! Tuloy ang laban para sa sambayanan! Ubos na ang aking pasensya Mga rebeldeng komunista, Huwag na huwag ninyo akong pahiyain Humanda kayo sa akin Kaya ko kayong ubusin Total one, total one, paigtingin! Tuloy ang laban, tuloy ang laban! Hangga't mga komunista'y naririyan! Tuloy ang laban, (tuloy ang laban) tuloy ang laban (tuloy ang laban)! Tuloy ang laban hanggang magkaubusan! Hayag na ang tunay na kulay Sa militar nakasalalay Pamamahala ng estadong dilaw 'Di hamak na isang aglahi Kung sa'kin ay mayro'ng mangyari Ngayon pang may demokrasya na raw Tuloy ang laban, tuloy ang laban! Hangga't gobyerno'y para lang sa iilan! Sa welgang bayan, sa welgang bayan! Tuloy ang laban para sa sambayanan! Tuloy ang laban hanggang magkaubusan! Tuloy ang laban para sa sambayanan! Tuloy ang laban! Tuloy ang laban!
Writer(s): Gary Granada Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out