Top Songs By Tony Labrusca
Credits
PERFORMING ARTISTS
Tony Labrusca
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Anthony Labrusca
Songwriter
Jourieli Tesorio
Songwriter
Brian Joseph Lotho
Songwriter
Lyrics
'Di na kayang magpanggap ng pusong hirap
Bakit ngayon ko lang nalaman ang tunay na nararamdaman?
'Di alam ang gagawin, gusto ko sanang sabihin
Ang nasa loob nitong damdamin, kailan kaya maaamin?
'Di pa ba napapansin ang pusong may nililihim?
Kailan ba masasabi sa 'yo?
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin, pa'no ba maaangkin?
Ang s'yang pinapangarap ko'y tanging ikaw
Bakit 'di ko napansin na lagi kang nand'yan?
Bawat lingon, iba ang hanap, ikaw pala'y nasa harapan
Kung pwede lang na maibalik ang bawat sakit na nagdaan
Lagi ko sa 'yong ipararamdam
Ang pusong 'di pa napansin at tunay na nililihim
Kailan ba masasabi sa 'yo?
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin, pa'no ba maaangkin?
Ang s'yang pinapangako ko'y tanging ikaw
Iba ang kaba na nadarama lalo ngayong kaharap kita
Tanging hiling sa pag-amin, sana'y dinggin
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay ikaw ang panaginip (tanging ikaw)
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay ikaw ang panaginip (ikaw ang panaginip ko)
Tanging ikaw lamang ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin, pa'no ba maaangkin?
Ang s'yang pinapangarap ko'y tanging ikaw
Writer(s): Sta. Maria Leopoldo L. Jr.
Lyrics powered by www.musixmatch.com