Lyrics

Palagi-lagi na lang kitang Hinahanap maghapon at magdamag Sa tuwing pumipikit, larawan mo ang naiisip Kailan kaya kita makakamit? Palaging hindi mapakali Hanggang nakaw na lang nang tingin Sa bawa't pagbigkas sa ngalan mo ng aking labi Dalangin ko sana'y iyong dinggin Ikaw lang ang nagpatibok muli ng puso kong ito Akala ko'y 'di na magbabalik Sa piling mo'y walang kibo, ngiti'y 'di maalis Sana'y ito na ang tanging pag-ibig at wala nang papalit Lumalalim na ang pagtingin 'Di mapigil ang aking damdamain Mayro'ng naririnig, kumakatok ba ang tadhana? Handa na ba muling tanggapin? Ikaw lang ang nagpatibok muli ng puso kong ito Akala ko'y 'di na magbabalik Sa piling mo'y walang kibo, ngiti'y 'di maalis Sana'y ito na ang tanging pag-ibig at wala nang papalit Sa bawa't pintig ng puso ko Ikaw lang ang hinihiyaw Handa na ba muling magmahal? Sa bawa't pintig ng puso ko Heto na at nagsusumigaw Handa na 'kong muling magmahal Ikaw lang ang nagpatibok muli ng puso kong ito Akala ko'y 'di na magbabalik Sa piling mo'y walang kibo, ngiti'y 'di maalis Sana'y ito na ang tanging pag-ibig at wala nang papalit Ikaw lang ang nagpatibok muli ng puso kong ito Akala ko'y 'di na magbabalik Sa piling mo'y walang kibo, ngiti'y 'di maalis Sana'y ito na ang tanging pag-ibig at wala nang papalit
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out