Top Songs By Eula Valdes
Credits
PERFORMING ARTISTS
Eula Valdes
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ariane Erika G. Estacio
Songwriter
Angelica Riz E Ganhinhin
Songwriter
Teresa L. Barrozo
Songwriter
Lyrics
Naalala ko pa
Nang nakilala kita
Nagbanggaan ng linya para sa isang dula
Nautal, nabulol ang hari ng teatro
'Di mo lang alam, napatawa mo ako
Naalala ko pa
Nang una kang umamin
Unang nagtapat ng pag-ibig mo sa akin
Umurong ang 'yong dila, dinaan sa biro at tula
Tinawanan lang kita, pero ang totoo, kinilig din ako
Naaalala ko pa kung gaano kasimple
Kung gaano kadali, kung gaano kasaya
Naaalala ko pa, naaalala ang...
'Di ko malilimutan
Nang una tayong nagtampuhan
Nagsimula sa kantiyawan tapos ay nagkapikunan
Buong araw nagsagutan, sa gabi, 'di nagpansinan
Akala ko, tapos na tayo, pero lumapit ka't pinatawa 'ko
Naaalala ko pa kung gaano kasimple
Kung gaano kadali, kung gaano kasaya
Naaalala ko pa
Naaalala mo ba?
Lyrics powered by www.musixmatch.com