Lyrics

Ang tanong ko sa sarili dati Kung ako'y naging mapalad na mapili mo "Magtatagal ba tayo?" Pero ngayon, ito'y panaginip na lang Dahil ika'y lumisan Nang wala man lang paalam Tapos, malalaman-laman ko na lang Na mayro'n na palang humahawak sa 'yong mga kamay 'Yung pinapangarap kong sagot, sa kanya mo binigay Sino ba naman ako para magreklamo sa iyo? Eh, hindi naman naging tayo, 'di naman naging tayo 'Di naman kita sinisisi Pero ako'y nagsisisi, dahil Pakiramdam ko, ako'y nagkulang sa iyo Kaya bigla kang lumayo, ooh At tuluyan nang lumisan Nang wala man lang paalam Tapos, malalaman-laman ko na lang Na mayro'n na palang humahawak sa 'yong mga kamay 'Yung pinapangarap kong sagot, sa kanya mo binigay Sino ba naman ako para magreklamo sa iyo? Eh, hindi naman naging tayo, hindi naman naging tayo Kahit kailan (kahit kailan), kahit kailan, 'di naman Kahit kailan, hindi naman, hindi naman, hindi naman naging tayo Pasensiya ka na kung ako'y nasasaktan Wala namang karapatan kasi hindi naman naging tayo Kahit kailan, kahit kailan, hindi naman Hindi naman, hindi naman, hindi naman naging tayo Pasensiya ka na kung ako'y nasasaktan Oh, wala namang karapatan, kasi hindi naman naging tayo
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out