Credits

PERFORMING ARTISTS
Davey Langit
Davey Langit
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Davey Langit
Davey Langit
Songwriter

Lyrics

Paratingin mo na siya, sige na Lord Para-pap-pap Para-pap-pap Para-pap-pap Ilang kasal na ba ang aking napuntahan Ilang pag-iisang dibdib na bang nasaksihan Yung iba kaibigan, kakilala, estranghero Lahat sila tila 'di mauubusan ng pag-ibig Ang titig sa isa't isa Parang bottomless iced tea ang kilig Para bang gusto mo nang maniwalang May naghihintay na tunay Pag-ibig na pang habangbuhay na talaga Kaya ko isinulat 'tong awitin Panalangin ko diyan sa itaas Kung pwede po bang pagtagpuin nyo na ang aming landas Ayoko nang mag-isa 'Di na ko bumabata Kaya kung pwede pong hilingin ko nang Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord Sawa na sa pagkabinata Handa na ang puso kong makilala siya Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya Bigyan mo naman ako ng sign Nagkita na ba kami? Nagkasalubong 'di ko napansin nung sintas ko ay itali Nakasakay ko na ba sa bus, sa jeep, sa MRT kaya? O baka naman kung saan-saan pa naghahanap Eh hawak ko na pala Pero binitawan ko pa Ngayon ay hawak na ng iba Ayan tuloy ako nganga Kung tunay nga ang destiny Di na ko mapakali Dali na please Dinggin nyo po ang sinulat kong awiting Panalangin ko diyan sa itaas Kung pwede po bang pagtagpuin nyo na ang aming landas Ayoko nang mag-isa 'Di na ko bumabata Kaya kung pwede pong hilingin ko nang Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord Sawa na sa pagkabinata Handa na ang puso kong makilala siya Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya Ang tagal naman nya Lord Matraffic ba? Ayoko na kasing humanap ng iba Quota na sa mga sablay Kaya kung pwede pong hilingin ko nang Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord Sawa na sa pagkabinata Handa na akong makilala siya Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya Para-pap-pap, Para paratingin mo na siya Paratingin mo na siya, sige na Lord Paratingin mo na siya, sige na Lord
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out