Music Video

Hinga
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Davey Langit
Davey Langit
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Davey Langit
Davey Langit
Songwriter
Therese Villarante
Therese Villarante
Composer

Lyrics

Romeo Vidal, bente siyete anyos Nars sa ospital, taga Malolos Katawan ko ay pagal at sobra nang tagal Mula nang huli kong mayakap ang aking mama't papa Dito ay wala nang kama Nagkakaubusan ng kwarto sobra ng puno Oras-oras may tinatakbong bagong kaso Pila-pilang sasakyan Mga pasyente na walang mapaglagyan Labing anim na oras na 'ko dito Walang pumapalit mga kasama ko, isa-isa nang nagkakasakit Paano kung ako naman ang tamaan? Paano kung hindi ko pala ito kayang labanan Sa nasa itaas, nagmamakaawa na matapos na Nakakapagod na, ayoko na 'Di na ako makahinga Hanggang kailan ba ang delubyo? Pagod na pagod na ako Kailan ba matatapos 'tong delubyo? Hanggang kailan ba ganito? Gabriel Andrada, tatlumpu't lima Ahente sa umaga, sa gabi ay banda Nagrerenta sa Maynila Kasama ang asawa ko't dalawa naming anak Nung wala pa 'tong delubyo Ang hirap nang pagtagpuin ng dulo't dulo Kahit pagsamahin pa ang aming sweldong mag-asawa Minsan sapat, madalas pa rin salat Biglang nagkaganyan hindi ko napaghandaan Biglang walang mabenta, biglang walang matugtugan Ang dati nang mahirap, mas humirap pa Kahit anong diskarte ang gawin ko, nagkukulang talaga Paano kung hindi na tayo bumalik sa dati? Paano ang pamilya kong batbat ng dalamhati Sa nasa itaas, parang awa na Nakakapagod na, ayoko na 'Di na ako makahinga Hanggang kailan ba ang delubyo? Pagod na pagod na ako Kailan ba matatapos 'tong delubyo? Hanggang kailan ba ganito? Albert Domingo, singkwenta'y kwatro Positibo Hindi ko alam paano ko nakuha 'to Nag-ingat naman ako Ang huling naaalala ko namili kaming pagkain Gayun na rin lahat ng pwede naming kailanganin Ilang araw lang lumipas, nilagnat ng alanganin, naghahabol ng hangin Itakbo nyo na ako! Kahapon lang mapayapang nasa bahay Ngayon isang tangke sa paghinga'y umaalalay Naisip ko pamilya ko, kailangan pa nila ako Buntis pa ang panganay ko sa una kong apo Natatakot na ako Paano kung hindi ko na mayakap ang asawa ko? Sa nasa itaas, pahingi pa sanang oras Parang awa mo na, sige na 'Di na ako makahinga Hanggang kailan ba ang delubyo? Pagod na pagod na ako Kailan ba matatapos 'tong delubyo? Hanggang kailan ba ganito?
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out