Top Songs By The CompanY
Credits
PERFORMING ARTISTS
The CompanY
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Paul Armesin
Songwriter
Lyrics
Biglang gumuho ang moog na minsan ay itinayo
Pag-asa sanang sa sigwa'y gawing kublihan
Maging ang tibay ng loob, tangay ng hanging bumayo
Ngayo'y walang mapagpiliiang kalagayan
Bilang mortal, tatangis at magluluksa
Babangong minsan pa sa paghupa ng luha
Hanggang sa dulo ng nalalabing katatagan
Ay kakayanin ang bigat nitong pasanin
At kung ang puso ay magapi ng kapagalan
Ika'y sinlapit ng isang panalangin
Pangako Mo'y panghahawakan
Sa tuwina ay pananaligan
Panginoon, Ikaw ang tanging pag-asa ko
Kapayapaan ng damdamin ang dalangin ng puso
Pawiin ang bawat takot at alinlangan
Tanging pag-asang yayakapin sa unos na bubugso
Ikaw lamang, Panginoon, ang aasahan
May katiyakan ang tugon na 'Yong laan
Sa hangganan ng lahat ng nalalamang paraan
Hanggang sa dulo ng nalalabing katatagan
Ay kakayanin ang bigat nitong pasanin
At kung ang puso ay magapi ng kapagalan
Ika'y sinlapit ng isang panalangin
Pangako Mo'y panghahawakan
Sa tuwina ay pananaligan
Panginoon, tanging pag-asa ko
Hanggang sa dulo ng nalalabing katatagan
Ay kakayanin ang bigat nitong pasanin (kakayanin ang lahat)
At kung ang puso ay magapi ng kapagalan
Ika'y sinlapit ng isang panalangin
Pangako Mo'y panghahawakan
Sa tuwina ay pananaligan
Panginoon, Ikaw ang tanging pag-asa ko
Lyrics powered by www.musixmatch.com