Music Video

Sino Ang Baliw
Watch {trackName} music video by {artistName}

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Kuh Ledesma
Kuh Ledesma
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vicor
Vicor
Songwriter
Elizabeth Barcelona
Elizabeth Barcelona
Composer

Lyrics

Ang natutuwang baliw, yaman ay pinagyabang Dahil ari n'ya raw ang araw pati ang buwan May isang sa yaman ay salapi ang hinihiga'n Ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman Sinasambit ng baliw, awit na walang laman Ulo mo'y maiiling, tatawagin mong hangal May isang hindi baliw, iba ang awit na alam Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw? Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag? Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos Oh, husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit Na nakikiramay sa isip n'yang punit-punit May binatang ang gayak, panay diyamante at hiyas Ngunit oras maghubad, kulay ahas ang balat Sino'ng dakila? Sino ang tunay na baliw? Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag? Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos Oh, husto ang isip ngunit sa pag-ibig ay kapos Sino'ng dakila? Sino ang baliw? Dakila kang baliw Sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw Sa ating mga mata, isa lamang s'yang baliw Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay Sa mata ng Maykapal, s'ya'y higit na banal Sinong dakila? Sino ang tunay na baliw? Sino'ng mapalad? Sino'ng tumatawag ng habag? Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay 'di lubos Oh, husto ang isip Kaya't sino, sino? Sino?
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out