Top Songs By Mind's the Limit
Credits
COMPOSITION & LYRICS
Chloe Domingo
Songwriter
Lyrics
Ikamamatay ko yata ang sakit
Sa bawat patak ng oras ay mayroong pait
Araw-araw mang manalangin
'Di pa rin makahinga bawat gising
'Di pa ba ako nagsawa?
Kung dati ay nagmamakaawa
Na 'wag kang lumisan
Ngayon, ang hiling ko lang
'Wag ka nang magpakita, ni magparamdam
Kung ika'y isang bula, ganiyan ka na lang
Umalis ka na nang tuluyan nang
Magsimula ulit ang daloy ng panahon
Sa aking mundo, ibalik ang araw
Pagod na ang mga ulap sa pagdadalamhati
Umalis ka na nang magsibalikan
Bawat dilaw na inialay ko sa iyo
'Kinamamatay ko talaga ang sakit
Sa pag-alala ng nakaraan ay laging may hapdi
Ganito pala ang magmahal
Dapat lagi kang handang masukuan
Sino ba'ng hindi magsasawa?
Kung dati ay nagmamakaawa
Na 'wag kang lumisan
Ngayon, ang hiling ko lang
'Wag ka nang magpakita, ni magparamdam
Kung ika'y isang bula, ganiyan ka na lang
Umalis ka na nang tuluyan nang
Magsimula ulit ang daloy ng panahon
Sa aking mundo, ibalik ang araw
Pagod na ang mga ulap sa pagdadalamhati
Umalis ka na nang magsibalikan
Bawat dilaw na inialay ko sa iyo
Sa iyo
'Wag ka nang magpakita, ni magparamdam
Muli kang magpakita at magparamdam
Kung ika'y isang bula, ganiyan ka na lang (sige, ganiyan ka na lang)
Punuin mo ang aking mundo
Nang maalala ko kung paano ngumiti
Sa 'king buhay, ibalik ang araw
Ang nag-iisang liwanag ay tanging ikaw
Bumalik ka na nang ako'y mahagkan muli
Ng dilaw na nahanap ko sa iyo
Writer(s): Chloe Domingo
Lyrics powered by www.musixmatch.com