Lyrics

Sa dami nang pinagdaanan Bakit ngayon mo pa naisipan, ako'y iwanan? Gabi-gabi na lang akong nalalasing, lumuluha Sa bawat oras dahil wala ka na Nagtatanong, nagtataka kung bakit ba lumisan ka? Gumising na ako'y nag-iisa Wala na pala akong kasabay na uuwi Dati-rati, kasabay kang tatawid Wala na palang mag-aalala tuwing nalalasing Dati-rati, may nagsasabi Wala na pala 'yung dating ikaw at ako Na parating nand'yan sa aking tabi Wala na pala 'yung dating mainit na gabi Na palaging may yakap at halik 'Di ba, dati naman nandito ka? Nasanay mo ang puso kong kasama ka 'Di ba, dati naman nandito ka? Nasanay mo ang puso kong kasama ka, ha-ha Kung saan-saan na kita hinahanap Tila nawalan ng gana ang tadhana Humihiling, nakatingala sa bituin Hinihiling na sana bumalik ka Ramdam ko nang hindi na para sa 'kin Pwede mo naman itong sabihin Kung bakit ba gumising ako nang maaga na Sa iba ko pa nalaman na ayaw mo na pala Wala na pala akong hinihintay, hinihintay Wala na pala akong kasabay na uuwi Dati-rati, kasabay kang gumigimik Wala na pala akong kasabay na maglalakbay Hawak ang 'yong kamay, sa langit tinatangay Wala na pala 'yung dating ikaw at ako Na parating nand'yan sa aking tabi Wala na pala 'yung dating mainit na gabi Na palaging may yakap at halik 'Di ba, dati naman ay wala ka? 'Di ba, dati naman na 'kong sanay nang mag-isa? 'Di ba, dati naman ay wala ka? 'Di ba, dati naman na 'kong sanay nang mag-isa? Wala ka na
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out