Lyrics

May liwanag kung mayroong dilim May sagot kung may katanungan May hangganan nga ba ang isip Bugtong-bugtong, subukin kung ito'y matutugon Hindi tao, hindi hayop ngunit mayroong ulo Kadalasang kasama ay mga karpintero At kung ito'y ililibing sa kahoy o bato Kailangang pukpokin ng martilyo Mayroong araw, mayroong buwan, hindi naman langit Mayroong katapusan ngunit muling nagbabalik Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi Wakas niya ay ipinagbubunyi May dila nga ngunit ayaw namang magsalita Kambal sila't laging kasama ang isa't isa Itali o igapos kahit higpitan mo pa Tiyak silang sa iyo ay sasama Lumilipad ngunit ito'y hindi eroplano Lumulutang sa dagat, hindi naman barko Lumalakad subalit hindi nananakbo Pito paa at anim ang ulo Lumilipad ngunit ito'y hindi eroplano Lumulutang sa dagat, hindi naman barko Lumalakad subalit hindi nananakbo Pito paa at anim ang ulo Mayroong pisngi magkabila, may hiwa sa gitna Mayroong pisngi magkabila, may hiwa sa gitna Ipasok ang daliri at ika'y matutuwa Kahit maliit ang beywang, sinturon ay mahaba Naglalambitin pa't akyat baba
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Get up to 2 months free of Apple Music
instagramSharePathic_arrow_out