Lyrics

Sinag ng Iyong araw sa 'kin ay gumigising Yakap sa paglakad, hangin Mo na kay lambing Lupa Mo ang sumasalo kapag nadarapa Lawak ng 'Yong langit sa akin ay pumapayapa Ikaw ang panyo 'pag ako'y umiiyak Ikaw ang payong t'wing ula'y pumapatak Ilaw Ka sa aking madilim na daigdig Ikaw ang aking Diyos na sa aki'y umiibig 'Pag ako'y nauuhaw, tubig Mo ang panlunas Salita Mo'y pagkaing nagbibigay lakas Liwanag ng Iyong buwan sa gabi ay kapiling Bit'win Mong kay ningning, bantay ko sa paghimbing Ikaw ang panyo 'pag ako'y umiiyak Ikaw ang payong tuwing ula'y pumapatak Ilaw ka sa aking madilim na daigdig Ikaw ang aking Diyos na sa aki'y umiibig Kabutihan Mo'y nakikita sa'Yong mga gawa Pag-ibig Mo ay laging nadarama Salamat Ama Dahil Ikaw ang aking Diyos 'pag ako'y umiiyak Ikaw ang Diyos t'wing ula'y pumapatak Ikaw ang Diyos sa aking madilim na daigdig Ikaw ang aking Diyos na sa aki'y umiibig Ikaw ang aking Diyos na sa aking iniibig
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out