Top Songs By JeBeats
Lyrics
Ngayon ay sobrang saya mula ng makilala ka
Oh, da-ra-ra-ri-ra, da-ra-ra, yeah, oh, yeah
Habang ako'y nag-iisa
Mapungay ang mata, pinipilit ang sariling magpakasaya
Sapagkat nakakulong na sa balon ng
Kalungkutan, binalutan ng dilim, muntik na matabunan
Ng mga pasanin at mga balakid
Para makapaglakad sa makitid na daan na napapalibutan ng mga
Nakatambay na masamang elemento sa mundong ginagalawan kong
Muntik ng lamunin ang aking galit, anim na talampakan ang lalim
Dahil sa mga problemang natamo
Nagbago lahat ng masilayan ang ganda mo
Nasa bingit na ako ng alanganin ng may
Liwanag akong naaninag animo'y isang hulog ng langit
Isang nilalang na sobrang ganda
Para sa 'king mga paningin nakakapanibago talaga
Nakakabighani ka, salamat sa 'yo, dahil sa 'yo
Dating ako, ngayon ay ako inspirado na
Ewan ko ba (ewan ko ba) kung ano'ng nakita sa 'yo (kung ano'ng nakita sa 'yo)
Ng isang taong tulad ko (tulad ko), agad na na bihag mo (agad na nabihag mo)
Ang puso na dating nananahimik lang (na, na, na dating nananahimik lang)
Ngayon ay sobrang saya (sobrang saya) mula ng makilala ka (alam mo ba? Alam mo ba?)
Madalas na nga 'kong tulala sa kakaisip (kakaisip)
Kung totoo ba lahat ng 'to o panaginip? (O panaginip)
Ang nga nangyayari sa 'kin talagang nakakapanibago
Buhat ng madama kalungkutan, ihip ng hangin sa 'kin nagbago
Pero dumating ang isang katulad mo sa 'di inaasahang pagkakataon
'Di ko sasayangin ang pagkakataon na makasama ka sa habang panahon
Para kang pinakamakinang na tala sa puso ko natutulog ikaw ang gumambala
Lahat ng 'yan ay naganap simula no'ng makilala ang katulad mo na sa 'kin na mag-aalaga
Isang anghel bumaba mula sa kalangitan
Humiling ako sa Diyos ng tulad mo't pinagbigyan
'Di ko nga alam kung bakit ba ganiyan
Naramdaman ko sa unang pagkikita palang
At 'di ko hahayaan mapunta ka pa sa iba
Pasensiya ka na kasi na ramdaman ko'y kakaiba
At sana, tanggapin mo ang tulad kong makasama
Ikaw talaga simula pa no'ng una kang makilala kaya
Ewan ko ba (ewan ko ba) kung ano'ng nakita sa 'yo (kung ano'ng nakita sa 'yo)
Ng isang taong tulad ko (tulad ko), agad na na bihag mo (agad na nabihag mo)
Ang puso na dating nananahimik lang (na, na, na dating nananahimik lang)
Ngayon ay sobrang saya (sobrang saya) mula ng makilala ka (eyy)
Bakit gano'n? Mapaglaro ang pagkakataon?
Bakit gano'n? Wala bang sagot sa mga tanong?
Bakit gano'n? Sa taenga ko ay may bumubulong?
Bakit gano'n? 'Di ko alam kung sa'n ba talaga lilingon?
Pero mali pala
Buhat ng malaman ko na ang puso at damdamin ko ay nagkaisa
Sinakluban ng mga ulap sa kalangitan
Isang anghel ang bumaba para tayo'y basbasan
Kasabay ng paghuni ng mga ibon
Ang pagpatak ng luha sa mata mo ay naipon
Wala ng dahilan para 'yan ay bumaksak
Umulan man bumagyo, walang tubig na papatak
Ikaw ang susi ng kandadong 'di mabuksan
Nahanap pa rin kita sa lalim ng karagatan
Gamit ko ang lampara na magsisilbing liwanag
Nang makilala ka ang puso ko'y naging panatag kaya
Ewan ko ba (ewan ko ba) kung ano'ng nakita sa 'yo (kung ano'ng nakita sa 'yo)
Ng isang taong tulad ko (tulad ko), agad na na bihag mo (agad na nabihag mo)
Ang puso na dating nananahimik lang (na, na, na dating nananahimik lang)
Ngayon ay sobrang saya (sobrang saya) mula ng makilala ka
Ewan ko ba (ewan ko ba) kung ano'ng nakita sa 'yo (kung ano'ng nakita sa 'yo)
Ng isang taong tulad ko (tulad ko), agad na na bihag mo (agad na nabihag mo)
Ang puso na dating nananahimik lang (na, na, na dating nananahimik lang)
Ngayon ay sobrang saya (sobrang saya) mula ng makilala ka
Oh, da-ra-ra-ri-ra, da-ra-ra, yeah, oh, yeah
Ngayon ay sobrang saya mula ng makilala ka
Lyrics powered by www.musixmatch.com