Credits
PERFORMING ARTISTS
Up For Byes
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Nikko Dahan
Songwriter
Lyrics
Pinili mong lumisan
Ngunit ayaw mong bitawan
Gustong tanungin kung bakit
Ngunit ayaw mong malaman ko
'Di na ba ako sapat sa 'yo?
Tila iba ang 'pinapakita mo
'Di na alam kung bakit
Ano'ng nangyari, saan nagkamali
Ang ating mga pinag-usapan, walang patutunguhan
Kung alam na ang sagot
'Wag ka munang magsalita, wala ka ring mapapala
Ayoko nang ulitin 'to, ayoko nang ulitin 'to
Ayoko munang magsalita, wala na ring magagawa
Ayoko nang maulit 'to, ayoko nang maulit 'to
Kay rami nang nangyari
Ngunit ayaw mong pag-usapan
Nakatingin na lang sa langit
'Di na alam kung ano ang gagawin
'Di na ba ako sapat sa 'yo? ('Di na ba ako sapat sa 'yo?)
Tila iba ang 'pinapakita mo (tila iba ang 'pinapakita mo)
'Di na alam kung bakit
Ano'ng nangyari, saan nagkamali
Ang ating mga pinag-usapang walang patutunguhan
Kung alam na ang sagot
'Wag ka munang magsalita, wala ka ring mapapala
Ayoko nang ulitin 'to, ayoko nang ulitin 'to
Ayoko munang magsalita, wala na ring magagawa
Ayoko nang maulit 'to, ayoko nang maulit 'to
'Wag ka munang magsalita, wala ka ring mapapala
Ayoko nang ulitin 'to, ayoko nang ulitin 'to
'Wag ka munang magsalita, wala ka ring mapapala (wala ka ring mapapala)
Ayoko nang ulitin 'to, ayoko nang ulitin 'to (ayoko nang ulitin 'to)
Ayoko munang magsalita, wala na ring magagawa (wala ka ring mapapala)
Ayoko nang ulitin 'to, ayoko nang ulitin 'to
Writer(s): Nikko Dahan
Lyrics powered by www.musixmatch.com