Credits
COMPOSITION & LYRICS
Exiz
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
R.iv Music
Producer
Lyrics
Hindi ko na kailangan pang humabol pa
Dahil tanggap ko na't ayaw nang masaktan pa
Ngayon ay kay luwag ng aking paghinga
At ang puso muna ay aking ipapahinga
Dahil ako naman ang uunahin ko
Hindi kailangan ang 'sang tulad mo sa buhay ko
Kaya ko na naman ang mawalay sa 'yo
Sa sarili na itutuon ang buhay ko
Nasayang lang oras no'ng tayo pang dalawa
Kaya ngayon ako naman, oo ako naman
Ang iibigin ko
Kaya ko palang sumaya kahit 'di mo na mahal
Sa sariling balikat ay handa naman akong sumandal
Ngayon ay kay gaan ng aking nararamdaman
Mga paa ko ay tinatahak ang sarili kong daan
Dahil ako naman ang uunahin ko
Hindi kailangan ang 'sang tulad mo sa buhay ko
Kaya ko na naman ang mawalay sa 'yo
Sa sarili na itutuon ang buhay ko
Nasayang lang oras no'ng tayo pang dalawa
Kaya ngayon ako naman, oo ako naman
Ang iibigin ko
Sa tagal ng panahon na umasa sa iyo
Ngayon lamang nasabi na kaya ko ito
Bubuuin unti-unti ang aking sarili
Hindi magmamadali at balang araw
Tatayong muli
Dahil ako naman ang uunahin ko
Hindi kailangan ang 'sang tulad mo sa buhay ko (hindi kailangan sa buhay ko)
Kaya ko na naman ang mawalay sa 'yo (oh)
Sa sarili na itutuon ang buhay ko
Nasayang lang oras no'ng tayo pang dalawa
Kaya ngayon ako naman, oo ako naman
Kaya ngayon ako naman, oo ako naman
Ang iibigin ko, oh, ooh
Lyrics powered by www.musixmatch.com