Credits
COMPOSITION & LYRICS
Van Meil Leonard Englatiera Allego
Songwriter
Lyrics
Nahahagilap ba ang kasagutan
Sa sangkatutak na mga hiling
Sa mga tanong ng kahapon
At mga bulong tuwing takipsilim?
Sumasabay lamang sa agos, sa ihip ng hanging malamig
Ang panalangin ko ngayon
Makamit kahit na, kahit minsan lang
Makamtan ang hiling ng walang-hanggan kong sigaw
Oh sinta, sana'y 'wag kang mawala
Sige na, puwede ba? Pakiusap lang
Sana ay minsan pang makahiram
Ng segundong masabi ang tanging nadarama
Sana'y mabatid mo na
Nasasabik sa himig mo (sa himig mo)
Inaasam na tayo'y magkatagpo (na tayo'y magkatagpo)
'Pinagdarasal at sinasamo (at sinasamo)
Na matupad na't magkatotoo (magkatotoo)
Sumasabay lamang sa agos, sa ihip ng hanging malamig
Ang panalangin ko ngayon
Makamit kahit na, kahit minsan lang
Makamtan ang hiling ng walang-hanggan kong sigaw
Oh, sinta, sana'y 'wag kang mawala
Sige na, puwede ba? Pakiusap lang
Sana ay minsan pang makahiram
Ng segundong masabi ang tanging nadarama
Sana'y mabatid mo na
Sumasabay lamang sa agos, sa ihip ng hanging malamig
Ang panalangin ko ngayon
Makamit kahit na, kahit minsan lang
Makamtan ang hiling ng walang-hanggan kong sigaw
Oh, sinta, sana'y 'wag kang mawala
Sige na, puwede ba? Pakiusap lang
Sana ay minsan pang makahiram
Ng segundong masabi ang tanging nadarama
Sana'y mabatid mo na
Sana'y mabatid mo na
Sana'y mabatid mo na
Writer(s): Van Meil Leonard Allego
Lyrics powered by www.musixmatch.com