Similar Songs
Credits
PERFORMING ARTISTS
Yhanzy
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Joshua Mari Miralles
Composer
Reymond Delacruz
Composer
Abul Mangondaya
Composer
Mark Kenneth Ramos
Composer
John Syrone Elesterio
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
John Syrone Elesterio
Producer
Lyrics
Alam ko na tuliro pa puso mo
Sa dami ng naranasang pagkadapa't pagkabigo
Kasi kadalasan napupunta ka sa 'di matino
Hindi ka dapat maubusan ng pag-asa
May tamang tao para sa'yo si tadhana
'Di masama na mahalin ang sarili
'Wag masyadong mainipin
'Wag mong sisihin ang tadhana kung wala pa
'Yung taong para sa'yo, maglibang ka muna
Sa mga bagay na makapagpapaligaya
Hanggang sa ibigay na sa'yo ng kusa
Darating din 'yan, darating din 'yan
Darating din 'yan, darating din 'yan
'Wag mong madaliin ang lahat (Kasi, kasi)
Kasi darating din 'yan
Kumalma ka lang darating din
'Yung tao na sa'yo ay nakalaan
'Wag mo na pilitin ang iyong sarili
Dahil baka lahat ng 'yan may dahilan
'Di ka man mabigyan ng pagkakataon sa ngayon
Na sagutin ang 'yong mga tanong
Kung bakit palagi kang talo
Kapag sumusugal ka na sa relasyon
Lahat merong rason, hindi mo lang alam
Ikaw din may kagagawan
Kung bakit ba ang panahon
Ikaw ay pinaglaruan kaya maigi
Pagtuunan mo muna ang iyong sarili
At ang pag-iisip mo ay buksan
Harapin mo lang ang bawat pagsubok na binibigay
Mapapasa'yo din ang tunay na pagmamahal
Basta matuto ka lang maghintay
'Wag mong bilangin ang oras sa relo
Kusang ibibigay sa'yo ang hinihiling mo
Asahan mong darating 'yung para sa'yo
Sa ngayon mahalin mo muna sarili mo
Bago ka maghangad ng tamang tao
Sa huli 'di mabibigo, ooh-woah-ooh
'Wag kang matakot mapag-isa
Walang mawawala, tadhana ang bahala
'Wag mong sisihin ang tadhana kung wala pa
'Yung taong para sa'yo, maglibang ka muna
Sa mga bagay na makapagpapaligaya
Hanggang sa ibigay na sa'yo ng kusa
Darating din 'yan, darating din 'yan
Darating din 'yan, darating din 'yan
'Wag mong madaliin ang lahat
Kasi darating din 'yan
Sadyang ganyan ang tadhana
Minsan madamot talaga sa'yo
Pero 'wag kang mag-aalala
May tamang tao na nakalaan sa'yo
'Wag ka magmamadali baka do'n ka masawi
Isipin mo na lang na hindi pa huli
Ang lahat ng ito, may darating na para sa iyo
Hindi ka dapat umasa sa mga tyamba
Para makuha ang taong para sa'yo
Isipin mo nang husto
Bago subukan, upang 'di masaktan
'Di rin masama na maghintay
Balang araw naman sa'yo ay ibibigay
Basta magtiwala ka lang, darating din 'yan
'Wag mong sisihin ang tadhana kung wala pa
'Yung taong para sa'yo, maglibang ka muna
Sa mga bagay na makapagpapaligaya
Hanggang sa ibigay na sa'yo ng kusa
Darating din 'yan, darating din 'yan
Darating din 'yan, darating din 'yan
'Wag mong madaliin ang lahat
Kasi darating din 'yan
'Wag mong sisihin ang tadhana kung wala pa
'Yung taong para sa'yo, maglibang ka muna
Sa mga bagay na makapagpapaligaya
Hanggang sa ibigay na sa'yo ng kusa
Darating din 'yan, darating din 'yan
Darating din 'yan, darating din 'yan
'Wag mong madaliin ang lahat
Kasi darating din 'yan
Lyrics powered by www.musixmatch.com