Listen to Bulalakaw by Josue

Bulalakaw

Josue

Hip-Hop/Rap

661 Shazams

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Joshua Daniel Nase
Joshua Daniel Nase
Songwriter

Lyrics

Sabi ng iba pagka-nakakita ng bituin na palagapak, humiling ka Sabi ng iba katuparan ng pangarap ay nakasalalay sa batong kumikinang Gusto kong mag-rap, mga boses sa'king utak ay sumisigaw Sa loob ng rehas na gawa sa aking mga bara Ngayo'y napuno na kaya nga bumibitaw, pa'no 'yan? Kahit kelan 'di pa nakakita ng ganyan Ibig sabihin ba'y wala na 'kong paglalagyan? 'Yokong makilala dahil sa katangahan 'Lam ko naman laging merong paraan, kaya paraan, wooh Ilang beses na rin nadapa sa daan Bakit ito ata 'yung inaabangan Medyo napataas yata ang aking lipad 'Wag ka nang magtaka dahil Sobra-sobra nang pagkalulong sa musika Tingin mo 'to'y suntok sa buwan? Bubugbugin ko pa Tingin mo 'to'y kabaliwan? Bibig pakisara Manood ka lamang d'yan, aking papakita Ayaw mo? 'Di bale na tuloy pa rin 'to Kahit na 'lam ko namang mas interesado ka Sa aking pagbagsak kaso'y wala Musika'y legal malalampasan ko na nga 'yung alapaap 'Yoko mag-antay ng bulalakaw Susubukan ko na ngayong gumalaw Kahit ang liwanag ay 'di matanaw Taas kilay ko na 'tong isisigaw, wooh 'Yoko mag-antay ng bulalakaw Magbubunga rin 'to balang araw Si Bathala magsisilbing tanglaw 'Yoko mag-antay ng bulalakaw, wooh Yah, parang 'di ka yata kumbinsido Nahinaan ka ba sa'king liriko? 'Di pa gaanong kapulido inaamin ko Matagal-tagal na nga rin akong nag-ensayo 'Di ako titigil dahil lang sa'yo Kahit pa ako'y tawa-tawanan mo Siguro inakala mong ako'y nagbibiro Nung sinabi kong matutupad At mangyayari rin lahat ng aking mga plano Kaliwa't kanang tenga'y aking sasarado Negatibo na komento mo'y tablado Pantasya ko ay magtanghal sa entablado Kaya ako'y mananatili na ganado Mga sinabi ko sa bato'y itaga mo Sino kaya sa'tin magmumukang payaso Kapag nalaman mong isa na 'ko sa mga Bakit may naririnig pa rin akong tunog? Sino bang nagsasalita at bumubulong? Sino bang nagtatangkang manghatak nang manghatak Pababa hanggang sa ako ay matutong? Sukuan mga bagay na ginusto Urungan mga laban ko sa mundo Sino ba talaga ang walang tiwala sa sarili ko? Kayo ba o ako? Yeah, yeah Kayo ba o ako? Kayo ba o ako? Kayo ba o ako? Sino nga bang salarin nito O ako nga ba ay may sala rin? Pagkalito ko'y mukang hindi ko na rin 'to maihinto Kayo ba o ako? Madaya ba talagang mundo? Kaya tayo'y pinapaikot dito sa loob? Alam ko naman na ako ay may kakayahan Hindi ko hahayaang ako'y bumagsak at manatiling ganito 'Yoko mag-antay ng bulalakaw Susubukan ko na ngayong gumalaw Kahit ang liwanag ay 'di matanaw Taas kilay ko na 'tong isisigaw, wooh 'Yoko mag-antay ng bulalakaw Magbubunga rin 'to balang araw Si Bathala magsisilbing tanglaw 'Yoko mag-antay ng bulalakaw, wooh
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out