Lyrics

Kung 'di man kita nasisilayan Sa araw-araw, oh, aking hirang Mauhaw man ako sa dampi ng 'yong labi Ang tamis ng 'yong pagsuyo'y laging gugunitain Gaya ng bulaklak sa kanyang bunga Ako'y nakatanikala sa 'yong alaala Mabuhay man ako sa kirot ng pagwalay Pakatandaan mo, ito rin ay may hangganan Tila sa bawat bintana, ika'y natatanaw Matimtim na naghihintay sa iyong pagdaraan Kung 'di man angkop ang pag-ibig natin Pagsisikapan ko at mananatili Bibilangin ang mga sandaling ika'y kapiling, sinta Iiwasan lahat ng tukso, maghihintay para lamang sa 'yo Hanggang sa wakas na tayo'y tunay na nagsasama Ikaw ang aking daigdig, hindi mapapantayan Susuungin ang sigwa at unos, makapiling ka lang nang lubos Hanggang sa wakas na tayo'y tunay na nagsasama Hanggang sa wakas, mahal ko, ikaw na walang-hanggan
Writer(s): Clem Castro Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out