Credits
PERFORMING ARTISTS
Eva Vivar
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Eddie Ilarde
Songwriter
Lyrics
Ako'y iniwan mo, iniwang may dusa
At walang awang winasak mo ang ating sumpaan
Ngayong ako'y sawi sa 'yong pagmamahal
Luha at pighati, kaulayaw sa t'wi-t'wina
Bakit nagkaganyan ang 'yong pagmamahal?
'Di ba't pangako mo, tanging ako lamang, hirang?
Nang siya ay dumating, bigla kang nawala
Nang muli kang makita, ikaw pala'y kapiling niya
Mahal ko, said na said ang anumang paliwanag
Upang ako'y mapatawad mo sa aking pagkakasala
Subalit, nais ko pa ring malaman mong sa ating pagkakawalay
Ay nagdurugo ang puso ko sa pagdaramdam
Hindi kapatawaran ang aking hinihingi
Kung 'di ang iyong pang-unawa
Hindi ko man nakayanang salungain ang humadlang
Sa ating pagmamahalan dito sa balat ng lupa
Hanggang sa kabilang buhay
Ikaw ay mananatiling nakaukit sa aking puso
Sapagkat, ikaw ang tunay kong minamahal
Ang pag-ibig raw ay pangarap
Kaya sa pangarap ko na lamang bubuhayin
Ang ating naunsyaming pagmamahalan
At kung ito man ay isang pagsubok lamang
Hindi magtatagal at pagsasaluhan natin
Ang walang kahulilit na kaligayahan
Sa dakong paroon, sa sinapupunan ni Bathala
Bakit nagkaganyan ang 'yong pagmamahal?
'Di ba't pangako mo, tanging ako lamang, hirang?
Nang siya ay dumating, bigla kang nawala
Nang muli kang makita, ikaw pala'y kapiling niya
Lyrics powered by www.musixmatch.com