Lyrics

Mayro'n bang nakikinig? Mayro'n ba itong silbi? Nahuhubog sa mundong walang pahinga Kahit pa ano'ng gawin, hindi ako mapapansin Takpan na lang ang iyong bibig kung walang may pakialam Kawalan ng kapanatagan Kawalan ng sarili mo 'Wag, 'wag kang mabibigla Sa bilis ng pagbabago ng panahon Tumatakbo ang orasan, dahan-dahan lang Kilalanin ang kaluluwa Malalamang may sagot sa 'ting tanong Habulin at madadapa, dahan-dahan Mayro'n bang nakikinig? Mayro'n ba itong silbi? Napagod nang panindigan ang halagang nawala Dahil kahit pa ano'ng gawin, hindi tayo mapapansin Kung 'di ibibigay ang puso mong hinang-hina Kawalan ng kapanatagan Kawalan ng sarili mo Ang salitang 'di mabigkas, ang bigat na 'di kaya ng lakas Ang simulang nagwawakas, sino'ng may-ari ng ating balat? Ang salitang 'di mabigkas, ang bigat na 'di kaya ng lakas Ang simulang nagwawakas, tayo'ng may-ari ng ating balat 'Wag, 'wag kang mabibigla Sa bilis ng pagbabago ng panahon Tumatakbo ang orasan (dahan-dahan) 'Wag, 'wag kang mabibigla Sa bilis ng pagbabago ng panahon Tumatakbo ang orasan, dahan-dahan lang (lang) Kilalanin ang kaluluwa (kilalanin ang kaluluwa) Malalamang may sagot sa 'ting tanong Habulin at madadapa, dahan-dahan
Writer(s): Marquez Ron Samuel R., Marquez Ron Timothy R. Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out