Lyrics

Dami nang gustong kumuha D'yan na lang sa may bangketa Para 'di masyadong kita Nang mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh-oh Ano ba 'to, oh-oh-oh Binebenta ko, oh-oh-oh Pa'no ba 'to, oh-oh-oh Ako lang ang mero'n nito Alas-12, hating gabi Pwedeng pa-gramo-gramo kung gusto bumili Abutan ng bayad sa may tabi-tabi Ingat lang dahil baka may makasalisi Makinig sa istorya do'n sa may Divisoria Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria Palagi na sa lansangan kahit na maalinsangan 'Di siya nag-aalinlangan basta't tama'ng bentahan Kaya ingat lang sa kapkapan, baka magka-bakbakan May bakal ka ba na dala na katulad nila? Sinubukang lumaban 'Wag n'yo akong tutularan sa tabi ng kanyang pangalan May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan Kailan kaya matututo? 'Wag matigas iyong ulo 'Di nakontento sa porsyento, dividendo, kilo-kilo Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan? Paninda ko, oh-oh-oh Ano ba 'to, oh-oh-oh Binebenta ko, oh-oh-oh Pa'no ba 'to, oh-oh-oh Ako lang ang mero'n nito Ako na lang ang mero'n, wala na dito sa 'min Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing Sistemang mapanlamon, ang dami kong inihain Handa 'kong mamatay dahil may dapat na buhayin Pamilyang umaasang matulungan sila Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga 'Di puwedeng ako'y makulong, lalaban ako kahit mag-isa Sabog ulo man o palit ulo kahit pa magturo pa ng iba Nakulong na si Kosa, nanlaban na si tropa Pasensya na kayo, kailangang maabot ang kota Para 'to sa pangsuporta, wala nang makakakontra Trabaho lang, walang personalan bago lumayo ng sobra Sa espadahan ng sungay, kailangan ikaw ay mahusay Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay 'La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Laging gising, laging gising, laging gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Gusto ko na talagang magbagong buhay Kasi lumalaki na 'yong mga anak ko Mamang nakaputi p'ede ka bang lumingon 'Yong tinda mo sa 'yong munting kariton Ang bibig ko'y tikom lang, kita'y lalago Basta may libreng tikim sa iyong nilalako Sabi ko noon kay inay, kaya ko na pong mag-isa Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira Sa kada pandikit ko nagtatanong sa sarili nang maiba Papa'no kung maaga ko mapagnasahan ang aking mabatong lapida Kaya kahit na 'ko'y dilat, hirap manalamin Kung kaninong bungod 'yong kaharap ko sa salamin Pero kahit madalas mapraning, bihasang-bihasa na 'to sa pagdating Sa galawan, ako lamang ang tanging biktima at salarin Pinugad ang kagipitan, salapi't kaibigan Habang buhay dinala, kasiyahan na panandalian Mundong nilasap ko ng matagal kahit pa sabik pa kong iwan Kaso sa huli rehas at libingan lamang ang pwede kong pagpilian Dami nang gustong kumuha D'yan na lang sa may bangketa Para 'di masyadong kita Nang mabenta kong paninda ko, oh-oh-oh Ano ba 'to, oh-oh-oh Binebenta ko, oh-oh-oh Pa'no ba 'to, oh-oh-oh Ako lang ang mero'n nito Ako lang ang mero'n nito Ako lang ang mero'n nito
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out