Lyrics

Umiiyak ka na naman 'Lang-hiya talaga, wala ka bang ibang alam? Namumugtong mga mata Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa? Sa problema na iyong pinapasan (pinapasan) Hatid sa 'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan May kuwento kang pang-drama na naman Parang pang-TV na walang katapusan Hanggang kailan ka ba ganyan? Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtiyaga mo d'yan sa boyfriend mong tanga (tanga) Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka? Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga Hindi na dapat pag-usapan pa Napapagod na rin ako sa aking kakasalita Hindi ka rin naman nakikinig Kahit sobrang pagod na ang aking bibig Sa mga payo kong 'di mo pinapansin (pinapansin) Akala mo'y nakikinig, 'di rin naman tatanggapin Ayoko nang isipin pa 'Di ko alam, ba't 'di mo makayanan na iwanan s'ya? Ang dami-dami naman d'yang iba 'Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita Na lalaki na magmamahal sa 'yo (magmamahal sa 'yo) At hinding-hindi n'ya sasayangin ang pag-ibig mo Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga Minsan, hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-trip-an Medyo malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang s'yang pinapangarap ko Sa libo-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama Iilang ulit pa lang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka n'ya Siguro ay hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga
Writer(s): Chito Miranda Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out