Lyrics

Dito ba? Dito ba? Dito ba? Oh, dito ba Ang dapat kong kalagyan na isang sulok kong hiram Sa ilalim ng araw? Dito ba ang daigdig ko ngayon? Bakit ibang-iba sa daigdig ko noon? Dito ba kung sa'n naroroon Ang hinahanap kong wala sa panahon? Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Kung saan kay lalim ng luha, ligaya'y kay babaw Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Dito ba ako naaangkop Sa paraiso ng walang kumukupkop? Dito ba naroon ang tagumpay? Magkabila'y ngiti, sa loob ay may lumbay Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Kung saan kay lalim ng luha, ligaya'y kay babaw Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Kung saan kay lalim ng luha, ligaya'y kay babaw Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw? Dito ba? Dito ba?
Writer(s): George Canseco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out