Lyrics

Napapaisip, nananaganip Baka sakaling tayo sa huli Ayaw silipin na alanganin Nagpapaniwalang 'di natin masabi Ang plano sa 'tin ng tadhana Ba't ba parang may pag-asa? Klarong wala kaso baka... Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi Kung ano nga ba ang kahahantungan Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili Sa daang walang kasiguraduhan Kasi malay mo, tayo Malay mo, tayo Sasalubungin, lalanguyin Kung anong lalim, bahala na At kung maulit, sakit at pait Guguhong langit, 'di alintana Sa dilim, diretso ang talon Para sa sakaling meron Alam kong wala kaso baka... Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi Kung ano nga ba ang kahahantungan Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili Sa daang walang kasiguraduhan Kundi kahapon, baka ngayon Pa'no kung nu'ng una'y maling panahon Malay mo, tayo sa dulo, 'di natin masabi Ano nga ba ang kahahantungan Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili Sa daang walang kasiguraduhan Kasi malay mo, tayo Malay mo, tayo Pa'no kung tayo?
Writer(s): Titus John Monterde Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out