Lyrics

Yo-yo-yo-yo-young God (Hello?) Kamusta ka? Sana ayos lang Lagi lang akong nand'yan, kaso lang, ang damot ng bibig Para sa'n pa kung handa 'kong makinig? 'Pag gipit, kung sa sarili mo, masyado kang bilib Mahihirapan ka lang nang mahihirapan Kung ipipilit mong wala kang kahinaan Kadalasan, alak pa ang mas pinipili mong sandalan 'Di ka masaya, nanghihiram ka lang ng tapang Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo ring panisin 'Di ka takot matulungan, kung tutuusin, takot ka lang na tuksuhin Kaya 'di masagot kada tatanungin kung mayro'n bang nakakubli Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo Ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa) Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa) Pero para makuha 'yung sa 'kin, mabuhay, ang dami nang kasalanang nagawa Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili, pa'nong ikaw pa kaya? Hindi madama 'yung lungkot o saya, nagtataka lang, bakit may hininga pa 'ko? Baka gumaan pa bigat ng dala 'pag wala, tulad ng kung ano'ng bago Habang 'yung katinuan, nakakadena sa alak, usok at tableta Sa napalang mapait, tatakasan saglit, pagbalik, gano'n pa din eksena, huh Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda Kulang na nga lang, ipako sa krus sa dami ng hudas para sa pera Katulad nilang gusto pa 'ko masira, kahinaan 'di ko maipakita Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din 'pag walang gasolina Kanina ay nasa dulo ng bangin, lason sa hangin, sarap damahin May lubid sa puno, sinabit daliri ko sa 'king baril bago kalabitin Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo Ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa) Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa) Buhay n'ya na hiniram ay kinuha pa n'ya nang hindi nagpaalam Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng 'di n'ya gustong naranasan Sa mga huling hininga n'ya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan Hirap manalo 'pag nasa loob ng isipan ang pinakanaging kalaban, uh Mayro'n bang dapat sisihin? Paligid, sarili, mundong magulo Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro 'yung dulo ng hintuturo Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap, nagawang talikuran Kinakausap ka habang nasa likod ng salaming may saradong pintuan Malapit ka nang bumigay, dama ko, 'wag ka magmadaling maabo Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo Kapag ganitong-ganito, 'yung wala ka, abot na abot ko kung ba't ka lito Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino Buhay, parang biyahe, maraming hadlang Ikaw na bahala kung pa'no mo sasakyan Natural lamang na mabigatan kaya hanapin ang pampagaan 'Yan ang paraan, kasama 'yan, 'wag mag-alala kung mayro'n bang nakakubli Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo Ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa) Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa) Mayro'n bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti At kutitap ng iyong mga mata? Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang Sabihin ang iyong nadarama? 'Di mo gustong malaman ng mundo Ang kahinaan mo Kung wala kang malapitan (oh-oh, whoa) Pupwede mo akong sabihan (oh-oh, whoa)
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out