Lyrics

Kapag nagsasama, nagkakandaloko na Kahit 'di natin sinasadya Parang default na setting sa paborito mong camera Laging do'n tayo napupunta Ewan ko nga kung bakit tayo laging nagkakaganito Siguro nga, sadyang borbolen tayo Kahit anong pilit na aking ayusin Nagugulo pa rin tuwing kayo ay dumarating Panay kalokohan kahit sa seryosong usapan Nakakainis, ngunit 'pag wala ay nakaka-miss Ewan ko nga kung ano ang mayro'n sa barkadang ito Siguro nga, sadyang borbolen tayo Tulad no'ng lamay ng inyong kapitbahay Naki-charge ka ng phone, ang ilaw sa altar ay biglang namatay Okay lang sana kung walang nagmimisa Muntik na akong mamatay kakapigil ng tawa Paano kaya 'ko nasama sa mga kolokoy na 'to? Siguro nga, sadyang borbolen tayo Basta't ito ang palagi ninyong tatandaan Kahit ano ang mangyari sa atin, walang iwanan At walang tatalo kailan pa man sa ating samahan At aking paninindigang borbolen tayo (Borbolen tayo) Borbolen ka ba? (Ngayon at kailanman) (Borbolen tayo) (Borbolen tayo)
Writer(s): Chito Miranda Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out