Lyrics

Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat Naaalala ko pa no'n, nag-aagawan ng Nintendo Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili Umaawit ng theme song na sabay kinabisa Kay sarap namang mabalikan ang alaala Ikaw ang kasama buhat noon Ikaw ang pangarap hanggang ngayon 'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng... Da-ra-rat-da, dati Da-ra-rat-da, dati Da-ra-rat-da, dati Na gaya pa rin ng... Dati-rati ay palaging sabay na mag syesta At sabay rin gigising alas kwatro y medya Oh, sabay manunuod ng paboritong programa Oh, kay tamis naman mabalikan ang alaala 'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng... Yeah, dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan Pero 'sing tamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan 'Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at... Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama ('di mapaghiwalay) Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah (hindi pwede yan) Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga ('yan ang pag-ibig) Sana mabalik pa'ng dati nating pagsasama 'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari Ang aking pagtingin Oh, ibulong na lang sa hangin (ibulong na lang) Pangarap na lang din (pangarap na lang din) Na gaya pa rin ng... (na gaya pa rin ng dati) Da-ra-rat-da, dati Da-ra-rat-da, dati (dati, yeah) Da-ra-rat-da, dati Na gaya pa rin... Da-ra-rat-da, dati Da-ra-rat-da, dati Da-ra-rat-da, dati Na gaya pa rin ng... Ng dati
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out