Lyrics

Bata pa lang si Juan, marami na siyang alam Mahusay magbilang, lamang sa paaralan Sa maraming bagay, may kahusayan si Juan Talagang mahusay si Juan Pitong taong gulang pa lang Marunong nang pumito si Juan Pitong taong gulang pa lang Mga babae'y pinipituhan Pipito-pito si Juan Pipito-pito si Juan Pipito-pito, pipito-pito Pipito-pito si Juan Lumipas ang ilang taon, lumawak ang karanasan Matipuno at may dating si Juan, naging crush ng bayan Bawat natitipuhan, siya'y pinapatulan Basta't nasisipulan sila ni Juan 17 taong gulang Makamandag ang pito ni Juan 17 taong gulang Mga babae'y pinipituhan Pipito-pito si Juan Pipito-pito si Juan Pipito-pito, pipito-pito Pipito-pito si Juan At nang malaunan, nagkaroon ng anak si Juan Pito ang isinilang sa bawat inang alam Pito ang asawa na hindi man lang pinakasalan Hindi talaga maawat si Juan Pitong bahay ang inuuwian Naubos ang pinaghirapan Hiningal, hinika si Juan Pitong ipin na lang naiwan Humina ang pagpito ni Juan Humina ang fagfito ni Juan Fifito-fito, fifito-fito Fifito-fito si Juan 77 taon, pito-pito ang iniinom Ngunit 'di makatulong sa tuhod ni lolo Juan Pitong talampakan ang lalim ng libingan At pitong sepulturero na walang pakialam Yumao siyang nag-iisa Iniwanan ng buong angkan Naiwan lang ay pustiso Sa basong kinalalagyan 'Di na pumipito si Juan 'Di na makapito si Juan 'Di na pumipito, 'di na makapito 'Di na pumipito si Juan
Writer(s): Danny Javier Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out