Lyrics

Napapansin mo ba na umiiba na Ang takbo ng buhay natin ngayon? Naging panibago na ang patakaran Ang dating bawal ay pinagbibigyan At lalala pa, pare ko Lalala pa, pare ko Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo Ang dating dalagang si Maria Clara Sumasayaw ngayon d'yan sa may Ermita Ngunit iba sa kanila'y mulat na'ng mata Ayaw na nilang magpasamantala Nag-iiba na, pare ko Umiiba na, pare ko Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo Ang hari ngayon, bukas magsisilbi Ang dating nangunguna, ngayo'y mahuhuli Ang araw, sumisikat at lumulubog din Ang buhay ng api, s'ya ay giginhawa rin Iilan lang dati ang mayro'ng paki Sa mga bagay-bagay, munti at malaki Ang dating mga taong tahimik sa tabi Ngayo'y galit sila at gustong maghiganti At lalala pa, pare ko Lalala pa, pare ko Sapagkat tuloy ang ikot ng mundo Hindi na mapipigil ang pagbabago Darating ito sa ayaw mo't sa gusto Ano man ang sagot mo, kung itatanong ko Ikaw ba'y makaluma o makabago? Ganyan talaga, pare ko Ganyan talaga, pare ko Sapagkat tuloy ang ikot, tuloy ang ikot Tuloy ang ikot ng mundo
Writer(s): Jim Paredes Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out