Lyrics

Bakit ba parang kang nalalayo sa 'kin? 'Di pa ba sapat ang pagmamahal ko sa 'yo? 'Di ba mula pa noon, ikaw lang ang pinapansin? 'Di ba't hanggang ngayon, ikaw lang ang minamahal? Sinasamba, wala nang iba Bakit ba, pagsuyo ko'y 'di na napapansin? Mayro'n lang akong nagawang pagkakamali Sabi mo pa noon, pag-ibig mo'y 'di magbabago Sana naman ngayon, aminin mo na mayro'n ka nang Ibang minamahal at 'di na ako Kung mayroon ka nang ibang minamahal Isipin mo lang kung kayo'y magtatagal Pagkat nandito ako Naghihintay sa 'yong pagbabalik Bakit ba ikaw ang naturing kong mahalin? At tila ba ginising mo ang puso kong nahihimbing At magmula noon, ikaw lang ang pinapansin Kahit hanggang ngayon, ikaw lang ang minamahal Sinasamba, wala nang iba Kung mayroon ka nang ibang minamahal Isipin mo lang kung kayo'y magtatagal Pagkat nandito ako Naghihintay sa 'yong pagbabalik Bakit ba parang kang nalalayo sa akin? Bakit ba, pagsuyo ko'y 'di na napapansin? Bakit ba ikaw ang naturing kong mahalin? Bakit ba, oh, bakit ba?
Writer(s): Boboy Garrovillo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out