Lyrics

Kung pwede lang, 'wag mo na 'tong iwasan At 'wag mo ring ituring na biro Marahil 'to'y 'di mo inaasahan Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto Itikom ang bibig Mata'y ibaling sa'kin Pakinggan mo ang sasabihin ko Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba 'pagsisigawan? Na 'di mo na 'pagkakailang tayo? Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang iyong kailangan? Nagsusumamo na, sabihin mo Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip Sa sarili'y laging may kinikimkim Patuloy lamang bang mananaginip? At mananatili lang na nakapikit? Ako'y mayro'ng batid Ito'y iyong pag-amin Hindi na natin maiiwasan 'to Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba 'pagsisigawan? 'Di mo na 'pagkakailang tayo? Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang iyong kailangan? Nagsusumamo na, sabihin mo Itikom ang bibig Mata'y ibaling sa'kin Pakinggan mo ang sasabihin ko Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba 'pagsisigawan? Na 'di mo na 'pagkakailang tayo? Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang 'yong kailangan? Nagsusumamo na, sabihin mo Nagsusumamo na, sabihin mo
Writer(s): Gosh Dilay Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out