Lyrics

Para to sa lahat men Sa lahat ng may pinagdadaanan At lumalaban mag isa Kaya mo yan, men Kaya mo yan. ey! ey! yow! Kaya mo yan Kaya mo yan I mean, kaya mo yan Tapos ka ng mabaon, tapos ng matumba Tapos na rin ang taon ng 'yong babang luksa Tapos ka ng masiraan ngayon umayos ka Humayo, tumayo, sa'yong kabaong ay bumangon na Di ito resureksyon, mula sa hukay Ito'y reinkarnasyon, at ang patunay Ay ikaw, na naligaw, dala ng lumbay Dahil sayo, nalaman naming may pangalawang buhay 'Pagkat malagay ka sa kalagayang di ka na mapalagay? Katumbas na ng isang namatay Balikat na mayrong pasan daming nakadantay Subalit pag-ngalay ka na'y wala man lang umaakbay Naisulat ko 'to para sabihin na Alam ko ang buhay na parang wala ka ng hininga Nawa'y maunawaan mong di ka nag-iisa't Maintindihan mo sanang naiintindihan kita Naiintindihan kita Naiintindihan kita Naiintindihan kita Sayong pangarap, daming magmamagaling Walang ginagawang tuturo sayo ang dapat gawin Bulag-bulagan na nagagawa ka pang matahin Ang masakit, mahal mo pa sa buhay ang salarin Habang ikaw, nagpapakahirap sa kada gabi Sila nag-aantay, nagmamadali Sa kabutihan mong nagawa ay walang may paki Ta's napakasama mo pag may nagawa kang mali Pangungunahan ka nila sayong balak na maging Pati angking galing mo babalakin na ma-angkin Papayuhan ka na parang tito sa pamangkin Wag kang maniwala, "tandaang ikaw mismo ang King" Kulang lang yan sa atensyon kaya nagpapapansin Wag kang magpapa-unggoy sa mga tuso na matsing Kaya nilang paliwanag, "ba't daw nandyan ka pa rin?" Kahit sila yung nasa dilim at walang narating Mga walang narating Mga walang narating Mga walang narating Mga walang narating Mga walang narating Mga walang narating Mga walang narating Walang narating Walang narating Panahon ko ay darating, "alam ko" Gawin ko lang dapat gawin, "alam ko" Sa tumalikod di para mag-tampo Haharapin ko lahat mag-isa 'to Panahon ko ay darating, "alam ko" Oras na lang bibilangin, "alam ko" Sa nakalimot, di para magtampo Haharapin ko lahat mag-isa 'to
Writer(s): Harlem Abayon Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out